Philippine Politics and Church

April 12, 2011

Facebook, si Pinsan at ang Iglesia Ni Cristo

Filed under: Iglesia Ni Cristo — politicsandchurch @ 11:19 am

Mainit ang ulo ko kagabi. Masaya sana akong nasa harap ng computer at nagba-browse sa aking Facebook account ng mapansin ko na yung isang pinsan kong lalake eh, nalaman kong lumipat na pala siya ng religion. Ang masaklap, Iglesia Ni Cristo pa ang nilipatan niya. Katoliko siya dati, minalas nga lang na nakapag-asawa siya ng isang follower ni Manalo. Natutuwa ako sa mga kaibigan kong tinitigilan nila ang sigarilyo nila at paginom kasi Born Again na daw sila. Ayos yun. Pero yung lilipat ka ng religion dahil gusto ng ibang tao(asawa or magulang) ay hindi nakakatuwa. WALA SANANG PILITAN SA RELIGION. Eh tinitingnan ko din yung Facebook photos ng mga INC na kakilala ko, may mga picture pa sila na umiinom ng beer. Balita ko, hindi daw bawal ang sigarilyo at beer sa Iglesia Ni Cristo pero ang puto at dinuguan ay napaka-bawal. Para sa mga Iglesia Ni Cristo, napaka-sama mong tao kapag kumain ka ng dinuguan pero ok lang sa kanila na magsigarilyo ka at uminom ng beer. Kakausapin ko talaga yung pinsan ko kapag nagkita kami. Bakit naman naging sunod-sunoran siya sa asawa niya sa paglipat sa INC. Sabi nga ng ka-office mate ko “ang sarap-sarap maging katoliko, eh lilipat pa ng religion”. Oo nga naman, mas gugustuhin ko nang maging inactive na katoliko kesa sa maging panatikong Iglesia Ni Cristo.

Ako ay madalas na tambay sa pinoyexchange pinoy portal, iba-ibang klaseng pinoy ang makakausap mo sa mga forum. Pero kakaiba talaga mga Iglesia Ni Cristo members. Ang lalakas mang-asar. Ang dudumi pa ng bibig. Napipikon na nga ako minsan eh pero siyempre nakakapag-pigil pa naman ako kasi may breeding ako, mga INC members walang breeding. Ingatan ninyo sa pinoyechange sila Krams, Czykeme at Pyros. Warning ko na sa inyo yan. Sana naman na si Pinsan eh, huwag mahawa at lumala ang ugali. May mga kakilala naman akong INC members na behave, hindi ko lang alam kung nasa loob ang kulo nila. Hindi ko lang matanggap na bawal sa INC ang dinuguan pero ok lang ang sigarilyo at beer. Sa Born Again kasi, bawal ang sigarilyo at beer. At saka masaya naman ako sa religion ko ngayon dahil hindi ako dinidiktahan sa pagboto. Parang sobra naman yata ang mga Iglesia Ni cristo na pati sa pagboto eh didiktahan tayo. Ayokong maging panatiko sa religion.

Hindi ako miyembro, kaanib or kapatid sa Iglesia Ni Cristo. Pero mabait naman ako, mga kapatid ko pati ang nanay kong may sakit na nagpalaki sa amin ay mabait. Hindi ko yata matatanggap na mapupunta kami sa impierno dahil hindi kami member ng INC. Unfair yata yun. Eh ayokong sumali sa INC. Hinding-hindi talaga ako lilipat sa INC. Kapag may babae nga akong nakikilala, tapos nalalaman kong INC pala siya, nilalagyan ko agad ng pader ang interaction with them. Mahirap na baka maconvince pa ako or mauto pa ako for unknown reasons. Pero nakakatuwa naman at marami rin akong kakilala na ayaw sa Iglesia Ni Cristo. May kanya-kanya kaming dahilan pero one thing is sure, ayaw namin sa Iglesia ni Cristo.

Totoo nga daw bang may ikapu ang Iglesia Ni Cristo?
Pinsan, pag-isipan mo yang nilipatang mong religion.

PinoyExchange:(INC) IGLESIA NI CRISTO, the true Church which Christ built?

Leave a Comment »

No comments yet.

RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Blog at WordPress.com.

%d bloggers like this: